Tuesday, October 2, 2012

Grace - 2 Samuel 11:15


Devotion [GRACE]
"Ilagay mo si Uria sa pinakaunahan ng mahigpit na labanan.. upang siya'y masaktan, at mamatay." 2 SAMUEL 11:15

OPEN
Lahat ay nagkasala, ako, ikaw, maging si David. Nakiapid kay Batsheba, ipinapatay si Uriah. Dami din mali sa buhay ni King David di po ba?

DIG
"If you, LORD, kept a record of sins, Lord, who could stand?" sabi ng Psalm 130. Namatay din si Jesus para sa ating kasalanan. Thankful tayo kay Lord.

REFLECT
Sabi ni John Newton, ang sumulat ng kantang Amazing Grace, "I am a great sinner, and Christ is a great Savior!" Bilib ka din ba sa biyaya ni Lord?


Di tayo perfect, pero meron kaya tayong pusong maka-Diyos? Na handang tumanggap sa biyaya ng dakilang Diyos, at ibahagi ang biyaya sa iba? Good AM po!

Monday, October 1, 2012

Commitment - 2 Samuel 24:24


Devotion [COMMITMENT]
"Hindi ako maghahandog sa Panginoon kong Dios na hindi nagkakahalaga sa akin ng anoman." 2 SAMUEL 24:24

OPEN
Sa work, business, educational degree, project o anong pinagsisikapan mo, malaking factor ang commitment sa tagumpay na nakamit mo di ba?

DIG
"I found David, a man after My own heart.." sabi ni Lord. Wow! Tayo po kaya pag sinuri ni Lord ang puso naten, anu po kayang sasabihin ni Lord?

REFLECT
Case study po natin si King David sa bagong devotion. Samahan nyo po ako at sama-sama po tayong maging "man after God's own heart."


Excited po ako to start our new devotion "A Man after God's Own Heart" ni Pastor Jim George. Good AM po! May God bless this journey to growth and maturity.

Friday, September 28, 2012

Amazed by the Lord

You paint the MORNING sky 
with MIRACLES in mind. 

My HOPE will always stand, 
for You HOLD me in Your HAND.

LORD I'm AMAZED by You.

Great is Your LOVE for me.

(from "Amazed" by Lincoln Brewster)

Thursday, September 27, 2012

Recap - Song of Ascents


Devotion [RECAP]
Psalm 120-134. Song of Ascents. Ito ay mga awit habang naglalakbay paakyat ng Jerusalem upang samasamang magpuri sa Diyos.

OPEN
Sa ating paglalakbay Kristyano, anu ang mga bitbit mo upang magtagumpay? Sa naging 16 topics natin, alin ang nakatulong sa iyo?

DIG
Psalm 120-134 Repentance, Divine Protection, Worship, Service, Help, Security, Joy, Work, Happiness, Perseverance, Hope, etc. Basahin po natin ulit ha?

REFLECT
Ang pinaka natutunan ko, sa biyaya ng Diyos naka-depende ang lahat. Joy, Security, Hope, Blessing. Sa Kanya nagmumula ang lahat. Faith lang halos ang akin.


Good AM po! Search ko po yung library ko ng Christian books, para sa next set of devotions. Stick po tayo kay Lord. Till next time. God bless po.

Wednesday, September 26, 2012

Blessing - Psalm 134


Devotion [BLESSING]
"Purihin ang Panginoon.. Itaas nyo ang inyong mga kamay at purihin ang Panginoon. Pagpalain ka nawa ng Panginoon" PSALM 134

OPEN
"Upang purihin at luwalhatiin ang Diyos at magalak na makasama Sya ng walang hanggan." Yan ba ang pinaka-dakilang bagay na makakamit mo sa buhay? Bakit?

DIG
Ayon sa Pahayag 4:11, nilikha tayo sa kagustuhan ng Diyos upang purihin Sya. Yun nga ba ang buhay natin ngayon? At tunay bang kagalakan sa atin yun?

REFLECT
Sabi ng isang guro ng mga pastor, di bagay sa naglilingkod ang di mo makitaan ng galak. Panu mo ibabahagi sa iba ang galak ng Gospel kung di ka masaya?


Joy. Sing with gladness. Rejoice. Praise the Lord. Bless the Lord God Almighty (Purihin at Pasalamatan ang Diyos). Bless the Lord, and may God bless you. Good AM po.

Tapos na po yung book. I pray may natutunan po kayo at natuwa din po kayo. Malayo pa po ang ating takbuhin.. ang masaya dun - palagi nating kasama si Lord. :)

Tuesday, September 25, 2012

Community - Psalm 133


Devotion [COMMUNITY]
"Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na namumuhay na magkakasama sa pagkakaisa!" PSALM 133

OPEN
Ang tao, may mga magulang na bumuo sa kanya. Ganun din ang Kristyano, may Ama at mga kapatid. Walang Kristyanong di kasapi ng pamilya di po ba?

DIG
Panu mo susundin ang utos na "Love each other" kung mag-isa ka? Panu mo "carry anothers burden" kung solo ka lang? Pwede ba yun?

REFLECT
Ayon sa Psalm, parang oil ang relasyon natin, warm, mabango at anointed ni Lord. Parang hamog, laging fresh. Panu mo ito maipadarama at mararanasan?


Sa langit sama-sama po tayo kay Lord, bat di po natin simulan ngayon pa lang? Sa pagkakaisa daw po pinarating sa atin ang pagpapala ng eternal life (verse 3). God bless.

Last Chapter na po tayo ng book bukas [BLESSING, Psalm 134]. Sarap ng devotion pag maraming kasamang mga kapatid. Bukas po ulit. :)

Monday, September 24, 2012

Obedience - Psalm 132


Devotion [OBEDIENCE]
"Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan. At ang aking patotoo.. Aking pagpapalain siyang sagana.." PSALM 132

OPEN
Ikumpara ang iyong pananalangin kumpara sa panalangin ng mga tao na nasa gitna ng giyera. Anung pagkakaiba? Alin ang mas madamdamin?

DIG
Marami ang patunay ng kadakilaan ng Diyos sa mga taga-sunod Nya. Npkaganda ng pag-asa at pangakong naghihintay sa mga sumusunod sa Kanya.

REFLECT
Mas natututo tayong sumunod kung ang ala-ala natin ay puno ng kadakilaan ng Diyos at ng napakagandang pangako Nya sa mga mananatiling tapat sa Kanya.


Good AM po! Simulan po natin ang linggo sa patuloy na pagsunod sa ating Diyos. Pagpalain at ingatan po kayo ni Lord.

Friday, September 21, 2012

One Big Happy Family - Romans 12:5


Devotion [ONE FAMILY]
"Sa isang katawan ay maraming mga sangkap na hindi pareho ang gawain. Gayon din tayo na marami, ay iisang katawan kay Cristo." Roma 12:4-5

OPEN
Meron ba kayong sports na hilig? Pano nito nadedevelop ang teamwork? Sarap maglaro kung marami kayo magkakasama diba?

DIG
Sabi ni Pablo sa Roma 12:3-8 at 1Cor 12:4-6, marami at ibat-iba ang ating kaloob, gawain at ministeryo ngunit iisa ang ating Diyos. Sama-sama tayo sa isat-isa.

REFLECT
Gaya ng isang grupo ng mga ibon sa alapaap, magka-isa tayo sa isang direksyon at layunin. Pahalagahan ang bawat isa bilang tunay na pamilya kay Kristo.


Good AM po. Salamat po sa mga tatay na sumama sa fellowship kahapon, ito po ang topic namin kagabi - isang katawan, isang pamilya. God bless po.

Thursday, September 20, 2012

Humility - Psalm 131


Devotion [HUMILITY]
"Panginoon, hindi hambog ang aking puso, di mayabang ang aking mga mata.. payapa ang aking kaluluwa parang batang iniwalay sa suso ng ina." PSALM 131

OPEN
Pinalayas sina Adan dahil sa ambisyon sa puno ng karunungan. Si Lucifer ay reject sa langit dahil sa ambisyon nyang maging diyos. Ikaw, anung ambisyon?

DIG
Sabi ni Lord sa John 15:2, inaalis nya ang sanga sa atin na di namumunga. Dami mganda sa mata at nais ng puso natin na INAALIS din ni Lord satin, ok ka ba dun?

REFLECT
Ang winawalay na bata sa suso ng ina ay DI na sanggol na pag-iyak subo agad ang gatas. Pero payapa na kasama pa rin nya ang nanay. Ganun tayo kay Lord.


Good AM po! Nais nating lahat ang mga mabuting bagay para sa atin, pero dapat nandun pa din si Lord ha? At kasama natin Sya lagi. Stay humble, stick to God.

Wednesday, September 19, 2012

Hope - Psalm 130


Devotion [HOPE]
"Panginoon, dinggin mo ang aking tinig.. Aking hinihintay ang Panginoon at sa Kaniyang salita ay umaasa ako." PSALM 130

OPEN
Habang buhay may pagdurusa. Khit anung pilit mong pagandahin ang mundo mo, may dusa at hirap. Parte yan ng buhay na dapat mong harapin. Totoo po ba?

DIG
Sumisigaw ang Psalm 130 at umaasang madirinig sya ng Diyos. May problema at dusa. Pero may tulong. May pag-asa mula sa Diyos. Panu mo dinadala ang hirap sa buhay?

REFLECT
Wag takasan ang problema. Harapin ang katotohanan na ang buhay ay may pasakit. Dyan tatatag ang faith mo, may awa ang Diyos. Kasama natin Sya.


Good AM po. Wag mawawalan ng pag-asa, yan ang pananaw ng may tunay at malalim na faith kay Lord. Pag puro problema ang nakikita natin, tayo ang talo. God bless.

Tuesday, September 18, 2012

Perseverance - Psalm 129


Devotion [PERSEVERANCE] 
"Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan: gayon ma'y hindi sila nanaig laban sakin. Ang Diyos ay matuwid.." PSALM 129

OPEN
Naranasan mo na bang tawanan, laitin o malungkot dahil sa pagtingin ng kapwa mo sa iyong pananampalataya? Ganu kadalas? Paano mo nalalabanan?

DIG
Maari mo bang ikumpara ang dinaranas mo sa dinanas ni Jesus, ni Pablo, ni Jeremiah? Natiis nila ang grabeng dusa at pasakit mula sa ibang tao.

REFLECT
Kung ang ating tibay at tyaga ay base lang sa sarili nating lakas, sipag at talino, susuko tayo. Ang tibay natin ay mula sa katapatan ni Lord satin.


Topic ngayon ay halos summary ng "A Long Obedience." Daming qualities para maging successful Christian anu po? Sa huli, kay Lord pa din nakabase ang lahat. God bless.

Monday, September 17, 2012

Happiness - Psalm 128


Devotion [HAPPINESS]
"Mapalad ang natatakot sa Diyos, lumalakad sa Kanyang mga daan.. magiging maginhawa ka.. Pagpapalain ka ng Diyos." PSALM 128

OPEN
Pinagpala ka ba ni Lord ng buong-buo (emosyon, pera, spirit)? Musta naman po ang paglakad natin sa daan ni Lord, buong-buo din po ba (puso, isip, lakas)?

DIG
Nasa paglakad sa mga daan ni Lord ang pagpapala (Psalm 128). Di po kataka-taka na walang pagpapala ang daang lumiliko sa daan ni Lord. Musta po ulit?

REFLECT
Pinupuno ni Lord ng galak at pagpapala ang daan ng matuwid. Simple lang naman ang gusto Nya, maging maligaya tayo sa Kanyang daan. Dun po tayo ha?


Good AM po! Pagpalain at magalak po ang bawat isa satin sa patuloy na pagsunod ng buong-buo kay Lord! Be truly and fully blessed kapatid. Happy Monday po!

Friday, September 14, 2012

Work - Psalm 127

Devotion [WORK]
"Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo.." PSALM 127

OPEN
WORKAHOLIC ang tawag sa taong addict sa paggawa at walang tigil sa paggawa. Panu ito nawawalang kabuluhan ayon sa Psalm 127?

DIG
Sabi ni Pablo sa mga Thessalonians, "Kung ayaw gumawa, wag kumain." Panu mo ibabalanse ang sobrang paggawa sa katamarang gumawa?

REFLECT
Maliban na kasama natin ang Diyos sa ating ginagawa, wala itong saysay. Si Lord dapat ang center at priority sa ating paggawa. Wag natin Syang ipapahuli.


Good AM po! Mas masarap pong gumawa na may Kristo sa puso, lalu na kung para kay Lord ang ginagawa. Pagpalain nawa ni Lord ang ginagawa mo ngayon!

Thursday, September 13, 2012

Joy - Psalm 126


Devotion [JOY]
"Napuno ang bibig natin ng pagtawa at ang dila natin ng awit. Ginawan tayo ng Diyos ng mga dakilang bagay, tayo ay nagagalak." PSALM 126

OPEN
Masaya ka ba kapatid? O boring maging Born Again? Bakit nga ba may "Praise the Lord" sa ating bibig at pagtaas pa ng kamay? Palabas lang ba yun?

DIG
Kinulong na nga si Pablo.. sabi pa nya "Magalak at magpuri." May paghihirap pero di nito kayang pawiin ang galak ng mga Kristyano. We are one HAPPY people!

REFLECT
Sa ginawa ng Diyos sa dati nating buhay at sa buhay na inihahanda ni Lord sa mga mananampalataya, dapat tumatalon na tayo sa galak. Wag ka malungkot!

Wag po tayong padaya sa sandaling aliw ng telenobela, yaman, beer o patay-sindi. Saglit lng po yun. Ang galak na pangmatagalan ang tutukan natin. Smile po!

Wednesday, September 12, 2012

Security - Psalm 125

Devotion [SECURITY]
"Silang nagtitiwala sa Panginoon ay parang bundok na di makikilos. Kung paanong ang mga bundok sa palibot ng Jerusalem, gayon ang Panginoon sa palibot ng Kanyang bayan." PSALM 125 

OPEN
Gano ka nga ba ka-secure sa Diyos? Sa kabila ng pagtaas-baba ng iyong pananampalataya, ng iyong mga pagdurusa, ng iyong mga kasalanan? Bakit secure? Bakit hindi?

DIG
Ang mga taong umaakyat ng matarik na bundok ay may lubid na nakatali sa bawat isa at nauuna ang pinaka-bihasa sa kanila. Si Jesus ang nauuna satin, kapit ka lang sa Kanya.

REFLECT
Silang nagtitiwala sa Panginoon ay di maaring makilos. Matatag. Secured. Di dahil sa sarili natin ito. Dahil ito sa Diyos na di maaring pigilan ninuman at anu pa man.

Good AM po! In God We Trust sabi nga po. Di sa ating sarili. Di sa security ng salapi, bakod at padlock, armas, karunungan at iba pa. Tiwala lang tayo palagi.

Tuesday, September 11, 2012

Help - Psalm 124


Devotion [HELP]
"Kung di ang Panginoon ay naging kakampi natin.. nilamon na sana tayong buhay. Ang saklolo natin ay ang Panginoon na gumawa ng langit at lupa." PSALM 124

OPEN
Sumasaklolo nga ba ang Panginoon sa buhay mo? Masasabi mo bang honest & true experience ang Psalm 124? O pangakong napako lang?

DIG
Ang Diyos na lumalang ng langit at lupa ay handang sumaklolo sayo. Ganu tayo kaliit kumpara sa buong kalangitan? Special ka kay Lord. Kayang-kaya ka Nyang tulungan.

REFLECT
Ang Christian daw kahit santambak ang problema, mas litaw ang pasasalamat na may kakampi syang Diyos na hindi nang-iiwan at di nagpapabaya isang saglit man.

Good AM po. Alam ko po dami saten ang may testimony na kung wala si Lord, wala na din tayo o napariwara na tayo. Ngayon pa po ba Nya tayo iiwan? God bless po.

Monday, September 10, 2012

Service - Psalm 123


Devotion [SERVICE]
"Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon, gayon kami tumitingin sa Panginoon naming Dios, hanggang sa Siyay maawa sa amin." PSALM 123

OPEN
Sa pagtingin pa lamang sa Panginoon sa taas, naroon na agad ang pagpapakababa.
Ang servant o alipin ni Lord ay hindi sarili ang pinagsisilbihan. Kundi sinu po?

DIG
Handa ba tayong pailalim sa Kanyang kamay upang mahubog at maging angkop sa Kanyang kaharian na parang clay? Masakit ang pghubog at pgtutuwid di po ba?

REFLECT
Ang pagiging MALAYA daw po ay pagpili ng tunay at mabuting Panginoon. Di mssabing malaya ang taong dependent sa salapi, alak, sugal, work, sakit o sa tao upang maging payapa.

Good AM po! Simulan po natin ang buong linggo na may attitude of Service kay Lord Jesus. Isang mapagpalayang umaga po!

Friday, September 7, 2012

Worship - Psalm 122


Devotion [WORSHIP]
"Akoy natutuwa nang kanilang sabihin sa akin, tayo'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon.. Upang magpasalamat sa Panginoon." PSALM 122

OPEN
Totoo ba Kapatid? Ikaw ay natutuwa at malapit na naman ang araw ng pagsamba sa bahay ni Lord? Anu ang maaring dahilan bakit di tayo sasamba?

DIG
Inihalintulad sa lagari ang taong nasamba. Parang sayang ang oras habang hinahasa. Pero kun di ito hahasain, pupurol at di kakayanin ang trabaho. Sayang ba ang oras sa pgsamba?

REFLECT
Tayo ay nilalang ng Diyos. Kanyang iniligtas. Ibinibigay Nya ang ating mga kailangan, maging buhay na walang hanggan. Si God ang dahilan bakit may araw ng pagsamba.

Good AM po! See you po sa araw ng pagsamba kay Lord. Recap lng po:
PSALM 120 - Repentance.
PSALM 121 - Divine Protection.
PSALM 122 - Worship.
Monday na po ulit ang next. God bless po.

Thursday, September 6, 2012

Divine Protection - Psalm 121


Devotion [DIVINE PROTECTION]
"Ang Panginoon ay Tagapagingat sa iyo.. Iingatan ka sa lahat ng kasamaan.. mula ngayon at magpakailan pa man" PSALM 121

OPEN
True or False, Mula ng tinanggap mo si Kristo, lahat ng problema ay naglaho, lahat ng tanong ay nasagot, at natapos ang lahat ng pagsubok. Panu mo nasabi?

DIG
Ganu man karami ang tubig sa dagat, Di nito mailulubog ang bangka kung di ito mkapapasok sa loob. Iingatan tayo ni Lord ganu man karami ang mga pagsubok.

REFLECT
Isapuso natin ang buong Psalm 121. Naroon ang pag-iingat ni Lord, ang ibang klaseng security. God guards us now. Always.

Gud AM po! Hapy bday kay Ate Genia. Naway ang ibang klaseng pag-iingat ni Lord ang lumukob sa ating lahat. Pagpalain ka ni Lord Kapatid.

Wednesday, September 5, 2012

Repentance - Psalm 120


Devotion [REPENTANCE]
"Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon.. Sa aba ko.. namumuhay akong kasama ng mga galit sa kapayapaan." PSALM 120

OPEN
Ang unang hakbang sa lakbayin kay Kristo ay ang pagkasawa at pagkalungkot natin sa maruming buhay. "Sa aking kahirapan.." ilarawan ang dati mong buhay.

DIG
Ang Diyos ang dahilan ng ating buhay, ang biyaya Nya ay sapat, ang patawad Nya ang ating pagbabago at ang pg-ibig Nya ang ating pgpapala. Knino k daraing?

REFLECT
Pagkasawa sa marumi. Pagdaing at pag-asa sa Diyos. "Akoy sa kapayapaan: silay sa pakikidigma." Tutuloy ka pa rin ba sa gitna ng magulong paligid?

Gud AM po ulit. Ingat po sa masungit na panahon. Chapter 2 na po tayo ng "A Long Obedience." Sana poy makatulong sa inyong paglago. God bless po.

Tuesday, September 4, 2012

Discipleship - Jeremiah 12:5


Devotion [DISCIPLESHIP]
"Kung ikaw ay tumakbo na kasama ng nangaglalakad, at kanilang pinagod ka..." JEREMIAH 12:5

OPEN
Tunay na nakakapagod sumunod at maglingkod. May kapaguran ang bawat tao. At papagurin ka ng mga tao. Kakayanin mo ba? JOHN 15:5

DIG
Bilang tagasunod ni Kristo, nakikipag-relasyon tayo sa Kanya at patuloy pang lumalago. Kakayanin natin ito KUNG kasama si Kristo. Tuloy ka pa ba?

REFLECT
We are disciples of Christ. Yun tayo. Sya ang lakas natin, ang ating pag-asa, ang ating simula at wakas. Mapagod man tayo, makapagpapatuloy tayo kasama Nya.

Good morning. Mula po sa aklat na "A Long Obedience", chapter 1 ang texts ko ngayong araw. Mahaba nga po ang takbuhin natin kapatid, sasamahan at aaliwin tayo ni Lord.